The Official Publication of Volunteer Youth Leaders for Health - Philippines

Para Sa Mga Frontliner - Isang Tulang Papugay



PARA SA MGA FRONTLINER
Tulang Papugay
katha ni Junaif Ampatua

Kulang ang salitang "salamat"
bilang papugay sa lahat ng inyong hirap.
Itong sakunang nangyari'y di inaasahan
ngunit sa inyo kami ngayon ay nakapasan.

Ilang buhay man ang nanganib,
ilang buhay din ang inyong nasagip,
Ilang buhay man ang sa inyo'y nasawi,
Sa amin kayo'y mananatiting bayani!

Alam naming di ito ang dapat --
na hantungan at katapusan nating lahat,
kaya naman lubos ang paghanga
at paggalang namin sa inyo --
aming mga makabagong mandirigma!

Inyong baunin sa laban, aming mga panalangin,
pati na ang pag-asang, lahat ay aayos din.
Sinubok na tayo noon at dati pa,
ngunit walang makakatinag
sa pusong Maharlika.

Dugo ng mga bayani sa ugat nati'y nanalaytay,
likas na sa atin ang pagiging matibay!
Para sa mga taong nasa unahan,
Padayon! Kasama kami sa inyong laban!

Batid namin lahat ang inyong sakripisyo,
Mabuhay ang dugong Filipino --
Aming Frontliners,
Mabuhay kayo!



________________
Junaif Ampatua LPT (Batch Kalilintad, 2017) is an ALS Mobile Teacher at Schools Division of Calapan City. He took up BSEd-English at St. Anthony College Calapan City Inc.. At present, he is studying MAEd major in English Literature at Divine Word College of Calapan. In 2019, Junaif became part of a team that pioneered a health facility project for the IP Community of Baras, Oriental Mindoro. Their project Project K4Baras (Kalinga, Karunungan, Kalinisan, at Kaligtasan para sa Baras) became the recipient of Bayanihan para sa Kalusugan Award and recognized as the YSEALI Most Innovative Project during the culmination of Ideas Positive Run 9.

Featured Image: "The Frontliners" 
Original digital artwork by Daje PinpiƱo 
Used with permission from the artist

Share:

Facebook

Twitter

Recent Posts

Recent Posts Widget